^

Probinsiya

Shootout: Mag-ama bulagta

- Ni Myds Supnad -

LINGAYEN, Pangasinan ,Philippines  – Kamatayan ang sumalubong sa mag-ama habang tatlong iba pa ang nasugatan matapos makipagbarilan sa mga alagad ng batas sa Barangay Le­bueg sa bayan ng Laoac, Pangasinan noong Linggo ng hapon.

Sa ulat na pinadala ni P/Senior Supt. Rosueto Ri­caforte, Pangasinan PNP director, lumilitaw na rumes­ponde ang mga pulis sa pangunguna ni P/Chief Insp. Lodovico Ellazar, kasama ang ilang opisyal ng barangay kaugnay sa naganap na barilan sa nasabing barangay.

Lumilitaw na nadatnan ng mga awtoridad ang limang armadong kalalakihan kabilang na ang mag-amang Rodrigo Eleazar at anak na si Gener Eleazar.

Sa halip na huminahon ang mga suspek ay sinasabing pinagmumura pa ang mga pulis at barangay official na umaawat lamang.

Kasunod nito, ay biglang pinagbabaril ng mga suspek ang mga pulis na rumesponde kung saan gumanti rin ng putok ng baril.

Duguang bumulagta ang mag-ama samantalang sugatan naman sina Barangay Captain Ellazar, kagawad Rogelio Lopez at si PO3 Erwin Lopez.

Tinutugis naman ng pulisya ang tatlong lalaki na kasamahan ng mag-amang napatay.

vuukle comment

BARANGAY CAPTAIN ELLAZAR

BARANGAY LE

CHIEF INSP

ERWIN LOPEZ

GENER ELEAZAR

LODOVICO ELLAZAR

PANGASINAN

RODRIGO ELEAZAR

ROGELIO LOPEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with