Barangay tanod inutas sa palayan

STA CRUZ, Ilocos Sur, Philippines —­ Isang 42-anyos na barangay tanod na sinasabing abala sa pag-aararo sa kanyang palayan ang binaril at napatay ng 'di-pa kilalang lalaki sa Barangay Besalan sa bayan ng Sta. Cruz noong Sabado ng tanghali. Ayon sa police report, nag-aararo sa pag-aaring palayan si Bonifacio Valdez sa Sitio Barikis nang lapitan at ratratin. Pinaniniwalaang alitan sa sinasakang palayan ang isa sa motibo sa pamamaslang.

Show comments