MANILA, Philippines - Kalaboso ang binagsakan ng isang babaeng lider ng New People’s Army makaraang maaresto ng militar sa Bacolod City, Negros Occidental kamakalawa ng umaga. Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Ananson Jayme ng Bayawan City Regional Trial Court Branch 63 sa kasong rebelyon, sumasailim na sa tactical interrogation ang suspek na si Marilyn Badayos.
Ayon sa ulat ni Philippine Army Chief Lt. Arturo Ortiz, si Badayos ang sekretarya ng Southeast Front of Central Visayas Regional Party Committee. Isinasangkot din si Badayos sa pagpatay kay Scout Ranger Capt. Wilson Montenegro na namuno sa pag-atake sa kampo ng rebelde sa bayan ng Sta. Catalina sa Negros Oriental noong May 3.