Maid pinilahan ng 2 akyat-bahay
MANILA, Philippines - Masaklap ang sinapit na kapalaran ng isang 23-anyos na maid matapos pilahan ng dalawa sa apat na miyembro ng Akyat-Bahay Gang na nanloob sa tahanan ng kaniyang amo sa bayan ng Taal, Batangas kamakalawa.
Kasalukuyang nakatulala pa ang biktimang itinago sa pangalang Cherry bunga ng masaklap na kapalaran.
Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, alas-4:40 ng madaling-araw nang looban ang tahanan ng amo ng biktima sa Arline Ville Subdivision sa Barangay Butong.
Natiyempuhang natutulog sa loob ng bahay sina Violeta Marco, 76; Esperdion Marco, 79; at mga kasambahay na sina Mary Jane Loreto, 37; at Cherry.
Dalawa sa mga kawatan ang nanlimas sa mga kagamitan, alahas at pera na umaabot sa P60,000 habang ang dalawa naman ang gumahasa kay Cherry sa loob ng silid.
- Latest
- Trending