Konsehal dinedo sa brgy. hall

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Napaslang ang isang 38-anyos na konsehal ng barangay matapos pagbabarilin ng hepe ng barangay tanod habang nagpupulong sa loob ng barangay hall sa bayan ng San Pascual, Masbate kamakalawa ng hapon.

Napuruhan sa dibdib si Alejandro Mahinay Jr. habang sumuko naman sa pulisya ang suspek na si Jerry Dauba, 39, kapwa nakatira sa Barangay Quintina sa nasabing bayan.

Lumilitaw na nagpatawag ng meeting ang barangay chairman kaugnay sa peace and order sa kanilang barangay kung saan dumalo ang suspek at biktima.

Gayon pa man, nagkainitan ang dalawa habang nagpupulong kung saan niratrat ng suspek ang biktima sa harap mismo ng kanilang kasamang opisyal sa barangay.

Show comments