^

Probinsiya

1 pang suspek sa Maguindanao masaker arestado

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines -  Naaresto ng mga awtoridad ang isa pang suspect sa Maguindanao massacre sa Barangay Poblacion, Shariff Aguak, Maguindanao noong Lunes.

Ang naarestong suspek ay nakilalang si Nasser Talib na kabilang sa 195 suspect sa Maguindanao massacre.

Ayon kay Army chief Lt. Gen. Arthur Ortiz, nadakip ang suspek ng 104th Brigade ng Army bandang alas-9:30 ng umaga noong Lunes sa Barangay Poblacion, Shariff Aguak.

Si Talib ang ika-92 suspek na naaresto ng mga awtoridad mula sa kabuuang 195 na akusado sa brutal na pagpaslang sa 57 katao kabilang ang maybahay ni Maguin­danao Gov. Esmael Mangudadatu at may 32 mediamen noong November 27, 2009.

Sa kasalukuyan, nakakulong ang mga itinuturong utak sa massacre sa pangunguna nina dating Maguindanao Governor Andal Ampatuan Sr. at anak nitong si dating Datu Unsay Mayor   Andal Jr., dating ARMM Governor Zaldy Ampatuan atbp.??

Ikinatuwa naman ng mga kaanak ng biktima ng Maguindanao massacre ang pagkakaaresto kay Talib gayundin sa desisyon ng Korte Suprema na payagan ang live media coverage ng trial.

vuukle comment

ANDAL JR.

ARTHUR ORTIZ

BARANGAY POBLACION

DATU UNSAY MAYOR

ESMAEL MANGUDADATU

GOVERNOR ZALDY AMPATUAN

KORTE SUPREMA

MAGUINDANAO

MAGUINDANAO GOVERNOR ANDAL AMPATUAN SR.

SHARIFF AGUAK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with