Nene niluray ni lolo

PAGBILAO, Quezon, Philippines – Isang 14-anyos na dalagita ang hinalay ng kapitbahay nitong 70-anyos kamakalawa sa Barangay Mapagong.

Pinaghahanap ngayon ng mga awtoridad ang suspek na si Crispulo Gabiola Sr., 70-anyos at kapitbahay ng biktima.

Ayon sa ulat ni PO2 Mylene Reyes, palagay ang loob ng biktimang itinago sa pangalang Tricia dahil itinuring na niya itong kanyang lolo kaya pabalik-balik lamang ito sa bahay ng matanda para makipagkwentuhan.

Kamakawala, bandang alas-2:00 ng hapon ay nadatnan ng ina ng biktima ang suspek na nakaibabaw sa kanyang anak at pinagsasamantalahan ito habang nanlalaban ang dalagita,

Mabilis na tumakbo ang suspek makaraang sigawan ng ina ng biktima at humingi ng tulong sa kanilang kapitbahay. Ipinagharap ng kasong rape ang lolo sa pulisya.

Show comments