MANILA, Philippines - Dalawang kindergarten pupil ang namatay habang 42 iba pang ang nasa ospital matapos mabiktima naman ng food poisoning sa kinain nilang pansit miki kahapon ng umaga sa Tuguegarao City, Cagayan Valley.
Ayon sa ulat ni Supt. Pedro Martinez, hepe ng pulisya sa Tuguegarao, ang mga nasawing biktima ay sina Eloisa Ballad at Jessica May Bangayan na pawang 5-anyos at kindergarten pupil sa Larion Bajo Elementary School.
Napag-alaman na nagmeryenda ng pansit miki ang mga biktima bandang alas-8:45 ng umaga kahapon saka sumakit kaagad ang tiyan ng mga ito at nagsuka.
Binili ang nasabing pansit sa gurong si Nilokasa Eresado na nagtuturo ng Edukasyong Pantahanan sa nasabing paaralan.
Sa imbestigasyon ay lumitaw na aksidenteng nalagyan daw ng oxalic acid na napagkamalang asin ni Eresado habang niluluto ang pansit. Ang oxalic acid ay nakakalasong kemikal na ginagamit sa preservative ng kahoy at panglinis ng marmol.
Inihayag pa ng Tuguegarao City Police na naniniwala silang hindi sinasadya ni Eresado na manglason ng mga estudyante na aksidenteng nailagay sa kusina ang garapon ng oxalic na napagkamalan nitong asin pero nahaharap din ang guro sa kasong homicide.
2 bata patay, 42 nakaratay dahil sa pansit
Ni Joy Cantos