Pangulo ng barangay defense system itinumba

MANILA, Philippines - Sabog ang bungo ng isang pangulo ng Brgy. Defense System makaraang pagbabarilin ng dalawang pinaghihinalaang miyembro ng hit squad ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa karahasan sa Brgy. Astorias, Maco, Compostela Valley kamakalawa.

 Dead-on-the spot sa insidente ang biktimang kinilalang si Juanito Tuazon, dati ring Brgy. Councilor sa nasabing barangay matapos na masapul ng dalawang tama ng bala sa ulo at iba pang bahagi ng katawan.

 Base sa report ng Police Regional Office (PRO) 11, naganap ang insidente sa nasabing lugar  bandang alas-6:40 ng gabi.

Ayon sa imbestigasyon, kasalukuyang nanonood ng larong bilyar ang biktima sa kanilang lugar ng biglang sumulpot ang dalawang armadong kalalakihan na nagpakilalang miyembro ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) saka niratrat ang biktima.

Narekober ng mga nag­respondeng awtoridad sa crime scene ang pitong basyo ng bala ng cal .45 pistol.

Show comments