Mag-asawa dinedo ng boarder

BULACAN, Philippines  – Kamatayan ang sumalubong sa mag-asawa habang kritikal naman ang kanilang anak matapos pagsasaksakin ng kanilang boarder sa Northville 4B, Barangay Lambakin sa bayan ng Marilao, Bulacan kamakalawa ng gabi. Kinilala ang mga napaslang na sina Joselito Dilla, 45; at Carina habang kritikal naman ang kalagayan ni Jovielyn Dilla, 17. Samantala, tugis naman ng pulisya ang suspek na si Samuel Garin. Base sa ulat ng pulisya, bago maganap ang krimen ay pinakiusapan ng mag-asawa ang suspek na maghanap ng ibang bahay dahil sa hindi nagbabayad ng renta sa pagiging boarder. Dito na nagtanim ng galit ang suspek at isinagawa ang krimen.

Show comments