2 tinodas sa videoke bar

IBA, Zambales, Philippines  – Dalawa-katao ang iniulat napaslang matapos saksakin sa loob ng videoke bar sa Barangay Dirita sa bayan ng Iba, Zambales noong Martes ng gabi. Idineklarang patay sa Pres. Ramon Magsaysay Memorial Hospital sina Ramon L. Beton II, 35; at Phil F. Villanueva, 17, kapwa nakatira sa Brgy Santiago, Botolan, Zambales. Samantala, naaresto naman ang suspek na si Alipio “Totoy” Domulot, 22, ng Barangay Bangantalinga, Iba, Zambales. Ayon  kay  P/Senior Insp. Gilbert C. Diaz, hepe ng pulisya magkasamang nag-iinuman ng alak sa Moonlight Bar ang mga biktima kasama ang suspek at dalawang kaibigan nang magkabiruan na nauwi sa pikunan. Dito na nagalit ang suspek at isinagawa ang pananaksak sa dalawa.

 

Show comments