^

Probinsiya

P44.7-M halaga ng bangus, nalugi sa Pangasinan

- Ni Myds Supnad -

LINGAYEN, Pangasinan, Philippines  — Umabot na sa P44.7-M ang halaga ng dead fish na naitala dito at pinanga­ngambahang lumaki pa ang halaga ng pagkalugi.

 Ayon kay Dalisay Moya, provincial agriculturist, uma­bot na sa 496 metric tons ang namamatay na bangus at tilapia sa bayan ng Anda at Bolinao ngunit sinabi niya na gumagawa na sila ng hak­bang upang maibsan ang matinding fish kill dito.

 Sinabi ni Sr. Supt. Rosueto “Boyet” Ricaforte, Pangasinan police director, na nagbigay na siya ng direktiba sa kanyang mga police chiefs na pala­wakin ang checkpoint operations at i-check ang lahat ng mga sasakyan na nagkakarga ng mga dead fish at sina­bing “delikado talaga na maibenta tong mga patay nang bangus dahil nakakalason ito kapag nakain; kaya nag utos ako na walang palulusutin na dead fish para sa kapakanan ng publiko.”

Idinagdag pa nito na lumalaki na ang volume ng dead fish ang nasasamsam matapos magtangkang ipuslit ito ng mga may ari.

Matinding naapektuhan ng fish kills ang coastal towns ng Anda at Bolinao na nasa bahagi ng Western parts ng Pangasinan.

Ang mga botchang isda ay naaagnas at nangangamoy nang masabat ng mga awtoridad, ani Ricaforte.

AYON

BOLINAO

BOYET

DALISAY MOYA

FISH

PANGASINAN

RICAFORTE

SR. SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with