2 magsasaka natusta sa kidlat

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines  – Kamatayan ang sumalubong sa dalawang magsasaka matapos tamaan ng matalim na kidlat habang nagtatanim ng palay sa bukid sa Sitio Paclas, Barangay Zone 4 sa bayan ng Libon, Albay kamakalawa ng tanghali. Nakilala ang mga nasawi na sina Julio Logronio Jr., 35, may asawa, ng Barangay San Pascual; at Recto Banda, 37, may asawa, ng Sitio Hulobon, Barangay Zone 1. Samantala, nadamay din ang magsasakang si Sammy Leonico, 25, na nasa kritikal na kalagayan. Lumilitaw na magkakasamang nagtatanim sa palayan ang mga biktima nang biglang kumulog at kasabay nito ang kidlat na tumama sa tatlo.

Show comments