^

Probinsiya

Trike vs van: 3 utas, 7 grabe

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Sementeryo ang binagsakan ng tatlo-katao ha­bang pitong iba pa ang na­su­gatan makaraang salpukin ng funeral van na may kargang patay ang traysikel sa kahabaan ng highway sa Barangay Montilla, Sipalay City, Negros Occidental kamakalawa ng hapon.

Kabilang sa mga nasawi ay ang mag-inang Janet Fiel, 25; anak nitong babae na si Samantha, 4; at ang gurong si Jovy Bogtae Espelita, 33.

Samantala, sugatan naman sina Susan Loquinario, Precil Parajito, Cedric Palma, Carlos Glabo, Lorenzo Baladhay at ang magpinsang Kim Barcelona at Kim Jayopeline na pawang isinugod na sa ospital.

Base sa police report na nakarating sa Camp Crame, bandang alas-5 ng hapon habang bumabagtas ang traysikel ng mga biktima patungo sa Brgy. San Jose nang masalpok ng funeral van mula sa Bacolod City pagsapit sa Crossing Bado sa Barangay Montilla.

vuukle comment

BACOLOD CITY

BARANGAY MONTILLA

CAMP CRAME

CARLOS GLABO

CEDRIC PALMA

CROSSING BADO

JANET FIEL

JOVY BOGTAE ESPELITA

KIM BARCELONA

KIM JAYOPELINE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with