Bagitong pulis itinumba

MANILA, Philippines - Napaslang ang isang 25-anyos na bagitong pulis matapos pagbabarilin ng mga ’di-kilalang lalaki sa Doña Juana Subd. sa Barangay Taculing, Bacolod City, Negros Occidental kahapon ng madaling-araw. Napuruhan sa ulo si PO1 Robert Epinosa ng Puen­tevella Subdivision at nakatalaga sa Regional Mobile Group sa Bacolod City. Nabatid na sinaklolohan lamang ang biktima ng tricycle driver nang makita itong duguang nakahandusay sa gilid ng kalsada. Nabatid na nakatanggap ng pagbabanta ang biktima subalit binabalewala nito.

Show comments