^

Probinsiya

2 Army na kinidnap pinalaya

- Ni Malu Cadelina Manar -

KIDAPAWAN CITY ,Philippines  – Dalawang sundalo ng 57th Infantry Battalion ng Phil. Army na sinasabing kinidnap ng mga rebeldeng New People’s Army sa loob ng 45-araw ay pinalaya na rin kamakalawa ng hapon sa Sitio Lacuacon Buay-Buay sa Barangay Balete sa bayan ng Magpet, North Cotabato.

Pormal na itinurn-over ng mga rebelde sa ilalim ng Herminio Alfonso Command Front 53 ng NPA ang mga bihag na sina Cpl. Delfin Sarocam at Pfc Jayzon Valenzuela kung saan sinaksihan ni Cotabato Vice Governor Greg Ipong, presiding officer ng Sangguniang Panlalawigan.

 Agad na dinala ng grupo sa Bishop’s Palace ng Diocese ng Kidapawan sa Barangay Balindog sa Kidapawan City para pormal namang iturn-over ang mga bihag sa kanilang commander na si Col. Cesar Sidello ng 602nd Infantry Brigade at kay Bishop Romualdo Tolentino dela Cruz.

Nabatid na mananatili muna sa pangangalaga ng AFP ang dalawang pinalayang sundalo.

BARANGAY BALETE

BARANGAY BALINDOG

BISHOP ROMUALDO TOLENTINO

CESAR SIDELLO

COTABATO VICE GOVERNOR GREG IPONG

DELFIN SAROCAM

HERMINIO ALFONSO COMMAND FRONT

INFANTRY BATTALION

INFANTRY BRIGADE

NEW PEOPLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with