2 bulagta sa pamamaril

CAVITE ,Philippines   – Dalawa-ka­tao ang kumpirmadong napaslang habang apat iba pa ang nasugatan makaraang ratratin ang isang traysikel sa Paliparan-Molino Road sa Barangay Paliparan 2, Dasmariñas City, Cavite kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang mga napatay sina Ronaldo Vedar, 42, ng Brgy. Palipa­ran 2, Dasmariñas City at Anthony Albarado, 31, ng Brgy. Kaong, Silang, Cavite

Sugatan naman sina Manuel Tan, 34, ng Brgy Bu­lihan; Cornelio Amoroso, 34, ng Silang, Ca­vite; Mark Jester Asilo, at si Heldred Vina, 16, ng Brgy. Paliparan.

Ayon kay PO2 Ro­nald Lorenzo, lulan ng traysikel sina Alvarado, Tan at Amo­roso nang harangin at ratratin ng grupo ng kalalakihan na lulan naman ng owner-type jeep na walang plaka.

Nadamay naman sina Asilo at Vina na naglalaro ng computer sa loob ng kanilang bahay habang si Ronaldo Vedar ay nakatayo sa harapan ng kanilang bahay naman ng tamaan ng ligaw na bala.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya.

Show comments