4 holdaper arestado

CAVITE, Philippines – Kalaboso ang binagsakan ng apat na kalalakihan na sinasabing holdaper makaraang maaresto ng pulisya sa bayan ng Imus, Cavite kahapon ng umaga. Kabilang sa mga suspek na pormal na kakasuhan habang nakakulong ay sina Adrian “Ian” Vasquez, 31, ng Brgy. Pa­lico 4, Imus, Cavite; Maximo “Max” Dullague, 49; Elvin “El” Perez, 28, ng Brgy. Binakayan, Kawit, Cavite; at si Dennis “Gamay” Arindain, 38, ng Brgy. Kabangaan, Silang, Cavite. Base sa record ng pulisya, ang mga suspek ay itinuturong nangholdap sa mga kawani ng LMQ Finance Corp. kung saan natangay ang P.5 milyong cash.

Narekober sa mga suspek ang bag na naglalaman ng P 316,143, limang cell phone, 4-rolyo ng packaging tape, tatlong baril at ang isang Nissan Sentra (ZMM 228) na ginamit sa modus operandi. 

Show comments