^

Probinsiya

20 guro, driver sugatan sa road mishap

- Joy Cantos -

Manila, Philippines - Dalawampu’t isa katao kabilang ang 20 guro ang nasugatan makaraang aksidenteng bumaligtad ang sinasakyan ng mga itong pampasaherong jeepney sa kahabaan ng circumferential road sa Baguio City kamakalawa.

Kabilang sa mga nasugatan ay ang mga gurong sina Carmelita Domagan, 50 anyos; Conception Mangutchay, 58 at Salvador Bacaoco, 33 taong gulang at iba pang mga kasamahan ng mga itong guro gayundin ang driver na si Francisco Baniqued, 52 taong gulang .

Ang mga ito ay isinugod ng nagrespondeng mga rescuer  sa Baguio City General Hospital para malapatan ng lunas.

Sa ulat ng Baguio City Police, naganap ang sakuna sa kahabaan ng Suello Wakat, circumferential road, Baguio City.

Kasalukuyang bumabagtas sa lugar ang Isuzu passenger jeepney (ACM-581) na minamaneho ni Baniqued lulan ang 20 miyembro ng Department of Education (DepEd) mula sa iba’t ibang rehiyon para dumalo sa seminar para sa Special Program & Arts sa Bencab Museum, Asin road  ng lungsod nang mangyari ang sakuna. Nawalan umano ng kontrol sa manibela ang dri­ver ng jeepney na nagbunsod sa sakuna.

vuukle comment

BAGUIO CITY

BAGUIO CITY GENERAL HOSPITAL

BAGUIO CITY POLICE

BENCAB MUSEUM

CARMELITA DOMAGAN

CONCEPTION MANGUTCHAY

DEPARTMENT OF EDUCATION

FRANCISCO BANIQUED

SALVADOR BACAOCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with