Judgment day kuno. Lindol nagdulot ng matinding takot
SOLANO, Nueva Vizcaya, Philippines – Nagdulot ng matinding takot sa mga residente at karatig pook ng Isabela ang pagyanig na nataon pa sa sinasabing katapusan ng mundo ng mga fundamentalist religious group.
Dakong alas-9 ng gabi kamakalawa nang maramdaman ang lindol na may lakas na intensity 5.5 sa Richter Scale sa hilagang bahagi partikular sa Nueva Vizcaya na naging dahilan upang umuwi ang mga residente na noon ay nasa kapitolyo na nakibahagi sa Grand Ammungan Festival, bilang paggunita sa 172th anibersaryo ng lalawigan.
Naramdaman din ang lindol sa Tuguegarao City, Penablanca, Cagayan at sa Quirino, Isabela habang intensity 2 sa Baguio City.
Maging sa Surigao City sa Surigao del Norte ay niyanig ng lindol at sa Dinagat Island ay niyanig din ng lindol na may lakas na intensity 5 magnitude, intensity 4 sa mga bayan ng San Jose at Loreto habang intensity 2 naman sa Basilisisa at CAgdiano, ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
“We preferred returning home and be with our families. Better to perish all together,” pahayag ni Solano Councilor Regie Valino-Valdez na noon ay nasa pagdiriwang ng Ammungan Festival sa bayan ng Bayombong.
Maging ang mga nagdiriwang ng patronal town fiesta sa bayan ng Ilagan ay nagmamadaling umuwi na rin sa takot na baka magkatotoo ang napabalitang end of the world.
Samanfala, ang alumni homecoming ng Saint Ferdinand School kung saan naroon si Isabela PNP director P/Senior Supt. Jaime Rivera ay napatigil sa pagdiriwang dahil sa lindol.
“Diyos ko, eto na ata ang umpisa ng sinasabi nilang end of the world?, nakakatakot,” pahayag naman ni Amie Rose Guttierez na nababahala sa kanyang pamilya sa Pangasinan.
Wala naman iniulat na nasaktan o nasawi sa nasabing lindol matapos maramdaman ang pitong iba pang pagyanig sa Isabela.
- Latest
- Trending