Inagawan ng bag, kritikal

CAVITE, Philippines – Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan ang isang 25-anyos na babae matapos mabagok ang ulo sa kalsada dahil nakaladkad ng motorsiklo ng snatcher sa Nia Road, Brgy Sampaloc 1 sa Dasmariñas City, Cavite kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Malen Holipas ng  Lyneth Subd. sa Barangay Biga sa bayan ng Tanza, Cavite.

Ayon kay PO2 Paulo Figueroa, pauwi na ang biktima nang agawan ng hindi kilalang lalaki na lulan ng motorsiklo. Napag-alamang nakaladkad pa ng may ilang metro ang biktima saka nabagok ang ulo sa kalsada dahil sa ayaw bitawan ang kanyang bag.

Nababahala naman ang mga residente sa patuloy na pagdaksa ng holdapan sa nabanggit na lungsod dahil sa naglipanang informal settler mula sa Maynila.

Show comments