^

Probinsiya

1 sugatan sa payroll robbery

- Ni Tony Sandoval -

MAUBAN, QUEZON, Philippines  — Isang opisyal ng isang security agency ang nasugatan nang batuhin at tangayin ng tatlong holdaper ang payroll money ng mga sekyu sa Brgy. Lual Bario ng bayang ito, kamakalawa ng hapon. Patuloy na inoobserbahan sa Mauban District Hospital sanhi ng tama sa ulo ang biktimang si Jessie Stevens, 27, OIC ng a-Shia Security Agency at residente ng Brgy. Polo dito. Ayon kay PO3 Roderick Elardo, dakong alas-4 ng hapon habang lulan ng motorsiklo ang biktima at binabagtas ang bulubunduking bahagi ng nasabing lugar upang dalhin ang suweldo ng kanilang mga sekyu ng mangyari ang insidente. Hinarang umano ng tatlong hindi nakikilalang lalaki ang biktima at binato sa ulo at nang bumagsak ang una ay nawalan ito ng malay. Sinamantala ito ng mga suspek na kunin ang belt bag ng biktima na kinalalagyan ng payroll money na nagkakahalaga ng P30,000 saka tumakas.

vuukle comment

AYON

BRGY

HINARANG

ISANG

JESSIE STEVENS

LUAL BARIO

MAUBAN DISTRICT HOSPITAL

PATULOY

RODERICK ELARDO

SHIA SECURITY AGENCY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with