^

Probinsiya

Abu vs Army: 3 bumulagta

- Joy Cantos -

Manila, Philippines - Dalawang kidnaper na miyembro ng bandidong Abu Sayyaf Group at isang sundalo ang iniulat na napaslang matapos sumiklab ang madugong bakbakan sa liblib na bahagi ng Barangay Libug sa bayan ng Sumisip, Basilan noong Miyerkules ng hapon.

Kinilala ni Col. Alexander Macario, commander ng Special Operations Task Force Basilan ang nasa­wing sundalo na si Private Arnel Conchas, 27, ng Basey, Samar at miyembro ng 4th Scout Ranger Company.

Ayon kay Macario, ang dalawang napatay na bandido ay nahila ng mga kasamahang bandido na sinamantala ang takipsilim sa kanilang pagtakas.

Bandang alas-4:30 ng hapon nang makasagupa ng Army’s 4th Scout Ran­ger Company ni Captain Fritz Gerald Montemor ang grupo ni Abu Sayyaf Commander Furuji Indama.

Sa  kasalukuyan ay ha­wak pa rin ng grupo ni Indama ang nalalabi pang kidnap victim sa Basilan na si Lario Tam delos Santos, resort owner na dinukot sa Isabela City noong Disyembre 16, 2010.

Patuloy naman ang hot pursuit operation laban sa grupo ni Indama na responsable sa serye ng pambobomba at kidnapping sa lalawigan.

vuukle comment

ABU SAYYAF COMMANDER FURUJI INDAMA

ABU SAYYAF GROUP

ALEXANDER MACARIO

BARANGAY LIBUG

BASILAN

CAPTAIN FRITZ GERALD MONTEMOR

INDAMA

ISABELA CITY

LARIO TAM

PRIVATE ARNEL CONCHAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with