5 pulis sinibak dahil sa troso

KIDAPAWAN CITY, Philippines – Limang pulis ang iniulat na sinibak sa puwesto dahil sa kapabayaan sa tungkulin na masawata ang lumalalang iligal na pagtotroso sa bayan ng Lake Sebu sa South Cotabato. Kinilala ni P/Senior Supt. Nilo Wong na sina P/Insp. Valerio Pado, ang hepe ng Lake Sebu PNP; P/Insp. Tirso Ontolan, PO3 Solomon Ocong, PO3 Edwin Cahurao, at si PO2 Lorito Malon. Ayon kay South Cotabato Governor Arthur Pingoy, pinasibak niya ang lima dahil sa illegal logging sa nasabing bayan. Ililipat ang lima sa provincial police command ng South Cotabato PNP sa Koronadal City habang patuloy ang imbetigasyon sa kanilang kaso.

Show comments