Holdapan sa Cavite lumalala

CAVITE, Philippines – Isa na naman holdapan sa pampasaherong jeepney ang naganap kung saan tatlong armadong kalalakihan ang tumangay ng hindi nabatid na halaga at mga alahas sa mga pasahero sa bahagi ng Barangay Sampaloc Uno, Dasmariñas City, Cavite kamakalawa ng gabi. Kabilang sa mga biktimang natangayan ng pera, alahas at personal na gamit ay sina Cristy Herpera, Rosanna Luistro, Melvin Mojica, Sherwin Martel, Prigido Moreno, Angelo Concha, Edsel Marie Dischoso at ang drayber ng jeepney (DWY686) na si Ferdinand Padrones. Hindi naman nadakip ng mga pulis ang muling pagsalakay ng mga holdaper sa mga pampasaherong jeepney at aircon bus.

Show comments