3 itinumba sa Batangas

BATANGAS, Philippines  — Tatlong kalalakihan ang natagpuang tadtad ng bala ng baril sa loob ng subdivision sa Barangay Alanganin sa Batangas City, Batangas kahapon ng mada­ling araw. Kinilala ni P/Supt. Arcadio Ronquillo, Batangas police public information officer ang mga nilikida na sina Erickson Villena, 30, ng San Pascual, Batangas; Ryan Lopez, 27; at Roberto Dee, kapwa nakatira sa Barangay Bolbok, Batangas City. Ayon sa police report, nakatanggap ng tawag ang Batangas City PNP mula sa mga residente ng El Pueblo Real Subdivision matapos matagpuan ang bangkay ng tatlo bandang alas-2 ng madaling-araw. Natagpuan ang mga bangkay nina Villena at Lopez sa loob ng Toyota Corolla (PMF-128) samantalang si Dee ay ilang metro ang layo sa dalawa. Napag-alamang nasa Top 10 drug personalities ng Batangas City PNP si Dee, kung saan patuloy ang imbestigasyon.

Show comments