^

Probinsiya

Holdap sa bus: P9-M nalimas

- Ni Cristina Timbang -

CAVITE, Philippines  – Tinatayang aabot sa P9 milyon ang na­limas sa tatlong kawani ng money changer sa naganap na holdapan sa aircon bus na bumabagtas sa Aguinaldo Highway sa Barangay San Agustin, Dasmariñas, Cavite kamakalawa ng umaga.

Ayon sa police report, tatlo sa mga pasahero ng San Agustin Bus Liner (TYD473) na minamaneho ni Pablito Ligued ay sina Eduardo Noel Malayba, Mario Tagle at Jamie Yambao na pawang kawani ng JMY Money Changer.

Lumilitaw na itinago ng tatlo ang malaking halaga sa kani-kanilang katawan para hindi matuklasan sakaling may maganap na holdapan.

Subalit sa hindi inaasahang pagkakataon ay naganap ang holdapan kung saan pinadapa ang tatlo saka tinangay ang malaking halaga na nakatali sa hita at binti ng tatlo.

May teorya ang pulisya na natiktikan ang tatlo na may malaking halaga kaya sinundan ng mga holdaper na nagpanggap na tauhan ng Phil. Drug Enforcement Agency (PDEA).

AGUINALDO HIGHWAY

AYON

BARANGAY SAN AGUSTIN

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

EDUARDO NOEL MALAYBA

JAMIE YAMBAO

MARIO TAGLE

MONEY CHANGER

PABLITO LIGUED

SAN AGUSTIN BUS LINER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with