Kriminalidad, anomalya umiiral sa Lucban
(Huling bahagi)
QUEZON, Philippines — Sa ngayon, may nakabinbing kaso sa deputy Ombudsman for Luzon si Mayor Villaseñor kasama ang vice mayor, ilang konsehal, municipal accountant, municipal planning officer at municipal budget officer sa paglabag sa Section 3 ng Republic Act 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices).
Ang reklamo ay isinampa ni Mercy Apuada, dating stall holder sa lumang public market.
Ayon kay Apuada, pinangakuan siya at 75 iba pang stall holder na bibigyang prayoridad kapag natapos na ang ni-renovate na Lucban Public Market.
Subalit nang matapos na ang bagong palengke at buksan noong Hunyo 2008, 33-lamang sa 76 na dating stall holder ang binigyan ng bagong stall.
Sa ngayon, umaabot na sa 157 stall holders ang nasa public market, at sinasabing 112 sa kanila ay mga political supporter ni Villaseñor at mga kamag-anak ng mga miyembro ng Market Committee na itinatag din ni alkalde.
Nang magtangka raw silang magtinda sa labas ng palengke na bagama’t may application sila sa munisipyo, inaresto sila ng mga tauhan ng alkalde sa paglabag sa Municipal Ordinance No. 2008-01.
Sa sinumpaang salaysay ni Apuada na may petsang Marso 6, 2010, nagtanong siya kung may hihigit pang pagyurak sa kanilang pagkatao ang ipinakita sa kanila ng mga taong una nang dapat nagkakalinga sa kanila?
- Latest
- Trending