^

Probinsiya

Bank teller nagbigti

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Isang bank teller na aburido dahil sa hindi maipaliwanag na pagkawala ng P300,000 ang nagbigti sa ilalim ng punong manga sa Argao, Cebu, ayon sa ulat na nakarating sa Camp Crame.

Kinilala ang biktima na si Ivy Cope Montañez, 29- anyos at empleyado ng Rural Bank of Cebu South sa Carcar City.

Natagpuan ito ng  magsasakang si Boy Tenerio na nakabigti ng lubid sa puno ng mangga sa labas ng kanilang bahay sa Brgy. Colawin sa munisipalidad ng Argao mag-alas-7 ng umaga.

Nabatid na kasalukuyang tutungo sa bukid si Tenerio nang magulantang ito ng makitang nakabigti ng lubid sa ilalim ng punong mangga si Montañez.

Sa suicide note na natagpuan sa kanyang silid, humingi si Montañez ng paumanhin at ipinarating ang pagmamahal sa kanyang pamilya at sinabing ang kamatayan ay pagsisimula ng bagong buhay.

Hindi sinabi ni Montañez sa kanyang sulat ang dahilan ng pagpapakamatay subalit hiniling na ilagay siya sa puting kabaong at ilibing sa Mayo 22.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa kasong ito kung saan isa sa mga sinisilip na anggulo ay ang hindi maipaliwanag na pagkawala ng naturang halaga sa bangko na ipinagkatiwala kay Montañez ang isa sa hinihinalang sanhi ng insidente.

ARGAO

BOY TENERIO

BRGY

CAMP CRAME

CARCAR CITY

CEBU

COLAWIN

IVY COPE MONTA

MONTA

RURAL BANK OF CEBU SOUTH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with