1 pang Sayyaf terrorist tiklo

MANILA, Philippines - Isa pang miyembro ng lokal na teroristang Abu Sayyaf Group ang nasakote ng mga elemento ng pulisya at militar sa isinagawang operasyon sa Barangay Tabuk, Isabela City, Basilan kahapon ng hapon. Batay sa ulat, kinilala ang nasakoteng suspek na si Abdurahman Andang alyas Abu Nas Sen/Abunas.

Nasakote si Andang ng mga operatiba ng Directorate for Integrated Police Operations-Western Mindanao, Special Action Force seaborne at ng Naval Intelligence Security Group. Si Andang ay ineskortan ng mga awtoridad patu­ngong Zamboanga City para isailalim sa kaukulang debriefing.

Nabatid na ang suspek ay sangkot sa Lamitan siege sa pagdukot sa sampung manggagawa sa Tairan Golden Harvest noong Hunyo 2001.

Show comments