BULACAN , Philippines — Tinatayang aabot sa P20 milyong halaga ng ari-arian ang tinupok ng apoy matapos masunog ang malaking pagawaan ng handycraft sa Barangay Tabang sa bayan ng Guiguinto, Bulacan kamakalawa ng gabi.
Tumagal ng isang oras bago maapula ang apoy sa nasusunog na Locsin International Handycrafts Corp. na pag-aari ni Roberto Locsin sa bisinidad ng RIS Compound II.
Sa ulat ni F/Senior Insp.Carlos Estipular, nagsimula ang sunog sa mezzanine floor kung saan nakaimbak ang mga finish product na nakatakda sanang ipadala sa ibang bansa. Maging ang mga makina sa paggawa at materyales ay nadamay din habang patuloy naman ang imbestigasyon.