^

Probinsiya

Opisyal ng NBP dedo sa ambush

-

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines – Napaaga ang pagreretiro sa tungkulin ng isang hepe ng National Bilibid Prisons matapos pagbabarilin at mapatay ng mga armadong lalaki sa highway na sakop ng Barangay Nueva sa bayan ng San Pedro, Laguna noong Biyernes ng gabi.

Kinilala ni P/Supt. Kirby John Kraft, hepe ng San Pedro PNP ang napaslang na si Rodrigo Mercado, 62, ng Sto. Niño, Muntinlupa City at assistant director for Security ng National Bilibid Prisons sa Muntinlupa City.

Patungong San Pedro ang biktima mula sa Muntinlupa sakay ng itim na Chevrolet (ZFC 218) nang harangin at ratratin ng apat na armadong kalalakihan na lulan ng dalawang motorsiklo sa kahabaan ng highway bandang alas-6:45 ng gabi.

Naisugod pa sa Divine Mercy Hospital ang biktima subalit idineklarang patay ng mga doktor pagsapit sa emergency room.

Nakarekober ang mga tauhan ng Scene of the Crime Operations (SOCO) ang 11-basyo at 4 na slugs ng cal. 45 pistola na nagkalat sa crime scene.

“All angles were being look into, were still conducting manhunt operations against the four suspects,” pahayag ni Kraft kabilang ang sensitibong posisyon ng biktima sa NBP atbp.

Kasabay nito, bumuo na ng Special Investigating Task Group na pinamumunuan ni P/Senior Inspector Jaime Federio upang imbestigahan ang kaso ng pamamaslang sa biktima.

Napag-alamang naghigpit si Mercado sa NBP matapos mabulgar sa media ang talamak na bentahan ng droga sa loob ng bilibid prison.

vuukle comment

BARANGAY NUEVA

DIVINE MERCY HOSPITAL

KIRBY JOHN KRAFT

MUNTINLUPA CITY

NATIONAL BILIBID PRISONS

PATUNGONG SAN PEDRO

RODRIGO MERCADO

SAN PEDRO

SCENE OF THE CRIME OPERATIONS

SENIOR INSPECTOR JAIME FEDERIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with