^

Probinsiya

Bata patay sa explosion; ina, pinsan grabe

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Nagkagutay-gutay ang katawan ng isang 9-anyos na batang lalaki habang malubha namang nasugatan ang ina at pinsan nitong 8-anyos na batang babae matapos na sumabog ang eksplosibong pinaglaruan ng mga paslit sa Rajah Buayan, Maguindanao kamakalawa.

 Kinilala ang nasawing biktima na si Ladin Minga, dead-on-the-spot sa insidente matapos na masapul ng pagsabog.

 Isinugod naman sa Maguindanao Provincial Hospital ang ina nitong si Aisa Minga,  25-anyos at pamangkin ni­tong si Melo Minga, 8-anyos na kalaro ng kaniyang anak.

 Batay sa report ng Maguindanao Provincial Police Office (PPO), bandang alas-5 ng hapon ng mangyari ang insidente sa tarangkahan ng pamilya Minga sa Brgy. Melib ng bayan ng Rajah Buayan.

 Nabatid na ang eksplosibo na gawa sa 81 MM mortar ammunition ay napulot ng dalawang paslit sa likod ng kanilang tahanan na pinaglaruan ng mga ito na nagbunsod sa pagsabog. Pinaniniwalaan namang ang pampasabog ay naiwan ng mga Moro Islamic Liberation Front (MILF) rogue elements sa lugar.

AISA MINGA

BATAY

BRGY

ISINUGOD

LADIN MINGA

MAGUINDANAO PROVINCIAL HOSPITAL

MAGUINDANAO PROVINCIAL POLICE OFFICE

MELO MINGA

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

RAJAH BUAYAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with