3 tinedyer tiklo sa droga
May 5, 2011 | 12:00am
LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Tatlong tinedyer na sinasabing naaktuhang nagpapakalat ng bawal na droga ang dinakma ng mga awtoridad sa loob ng malaking shopping mall sa Barangay Triangulo, Naga City, Camarines Sur kamakalawa.
Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Salic Amer, 20, ng Mapandi. Marawi City; Hamim Abdulsamand, 18, ng Arligue St. Quiapo, Manila at si Frederick Celis, 23, ng Mercedes, Camarines Norte. Nasamsam sa mga suspek ang P30,000 cash at 2 plastic sachet na shabu.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest


















