Pulis pinabulagta
SUBIC, Zambales, Philippines — Napaslang ang isa sa dalawang pulis na sinasabing aaresto sana sa isang suspek sa holdapan matapos pagbabarilin ng grupo ng kalalakihan sa Barangay Calapacuan sa bayan ng Subic, Zambales kamakalawa ng hapon.
Napuruhan sa ulo si PO1 Michael Gangano matapos ratratin ng suspek na si Ali Nali alyas Ali Tangkad na sinasabing may mga kasong kriminal. Base sa police report, kasama ng biktima si PO1 Felix Laron para arestuhin ang suspek na si Jun Biri na sangkot sa panghoholdap kay Rudy Gaso ng Barangay Matain. Dito na pinagbabaril ang biktima habang si PO1 Laron ay itinakas si Biri sa ligtas sa lugar.
Tugis naman ng pulisya ang suspek kasama ang pamangking si Sammy Tahari at ilang kalalakihan.
- Latest
- Trending




















