Magsyota gutay sa truck
MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Nakipagtipan kay kamatayan ang magkasintahan makaraang mahagip ng truck habang magkaangkas sa motorsiklo sa kahabaan ng kalsada sa Barangay Bahay Pare sa Meycauayan City, Bulacan kamakalawa ng gabi. Ayon kay PO2 Ryan Padua, halos magkagutay-gutay ang katawan nina Romeo Guillena, 34; at Irene Navarro, 28, kapwa factory worker at nakatira sa nabanggit na barangay.
Nahaharap naman sa kasong reckless imprudence resulting to homicide and damage to property ang drayber na si Joselito Macavitas ng Barangay Camalig at ngayon ay ginagamot sa Montefalco Hospital dahil sa sugat sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan.
Ayon sa pulisya, nawalan ng preno ang cement mixer truck (UAR 895) kaya inararo ang magkasintahan na magkaangkas sa motorsiklo (QV 7297) kung saan nakaladkad pa ng may 15 metrong layo ang dalawa.
- Latest
- Trending


















