^

Probinsiya

Newly grad todas sa hazing

- Ni Boy Cruz -

BULAKAN, Bulacan , Philippines — Maagang nagwakas ang buhay ng isang binata matapos na mamatay ito sa isinagawang hazing ng isang fraternity na naganap sa isang lugar dito kahapon.

Patay na nang idating sa Bulacan Provincial Hospital sa Malolos City ang biktimang si Roneal De Guz­man 22, graduate ng Computer Technology.

Nakadetine naman ang mga suspek na sina John Lawrence Borja 18 at Marlon Mendoza 19, kapwa residente ng Brgy. Sta. Monica sa bayan ng Hagonoy na naaresto matapos ang follow up operation.

Kasalukuyan pang pi­nag­hahanap ang tatlo pang miyembro ng fraternity na may mga alyas na Lelouch, Kudo residente din ng naturang lugar at Mandirigma na nakatira sa Crossing, Malolos City pawang mga miyembro ng Tau Gamma Phi.

Base sa imbestigasyon, dakong alas -11:00 ng uma­ga naganap ang initiation rites sa biktima sa isang lugar sa Brgy. Pitpitan, Bulakan at matapos ang ilang oras ay nakaramdam na ito ng paninikip ng kanyang dibdib saka agad na isinugod sa ospital ng limang suspek ngunit ng malamang patay na ito ay agad ding tumakas ang mga ito.

Nagtamo ng mga pasa sa magkabilang hita bunsod ng matinding palo ng isang kahoy at 'di mabilang na pasa sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima na pinaniniwalaang naging sanhi ng kanyang kamatayan.

vuukle comment

BRGY

BULACAN

BULACAN PROVINCIAL HOSPITAL

BULAKAN

COMPUTER TECHNOLOGY

JOHN LAWRENCE BORJA

MALOLOS CITY

MARLON MENDOZA

RONEAL DE GUZ

TAU GAMMA PHI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with