70 kawani ng northrail sisibakin

GUIGUINTO, Bulacan, Philippines   Umangal ang 70 kawani ng North Luzon Railways (NorthRail) dahil sa rega­long  pagsibak sa kanila si­mula Mayo 1 na mismong araw pa ng paggunita sa Araw ng Paggawa.

Gayunpaman, hanggang kahapon ng hapon ay patuloy ang pakikipanegosas­yon ng United Employees of NorthRail (EUM) sa pamu­nuan ng kumpanya sa pag-asang mabaligtad ang desisyon.

 Ayon kay Atty. Sonny Ma­tula, tagapagsalita ng UEM, hindi makatarungan ang pagsibak sa 70 kawani dahil sa pag­­labag ng NorthRail sa proseso.

 Binigyang diin niya na dapat ipabatid sa mga manggagawa ang pagsibak sa kanila 30 araw bago patigilin sa pagtatrabaho.

Ngunit batay sa mga dokumentong inilabas ng UEM, noon lamang Abril 14 ipinabatid sa 70 manggagawa na sisibakin na sila simula Mayo 1 kung saan dumaing ang mga ito dahilan sa kawalan ng tamang proseso sa biglaang desisyon.

Samantalang base sa “Formal Notice of Temporary Suspension from Work” na kanilang tinanggap noong Abril 14 na sila ay suspendido sa loob ng anim na buwan.

Show comments