Mag-ina tinodas ng adik na mister

CAMP SIMEON OLA , Legazpi City, Philippines  — Brutal ang sinapit na kamatayan ng isang mag-ina matapos pagsasaksakin ng adik na padre de pamilya ng kanilang tahanan sa Brgy. Sagrada, Bagamanoc, Catanduanes kamakalawa.

Ang mga biktima ay nakilalang sina Marissa Jacob, 29-anyos at anak nitong si Marian Jacob, 4; pawang residente sa lugar.

Samantala ang suspek na mister ng ginang ay nakilala namang si Reynaldo Jacob, 26 na bantay sarado ngayon sa pulisya sa Viga District Hospital matapos itong magtangkang magpakamatay nang pagsasaksakin rin ang kaniyang sarili.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, bandang alas-3 ng hapon ng dumating ang suspek na lango sa droga sa ka­nilang tahanan­ at bigla na lamang pagsasaksakin ang kaniyang mag-ina. Kasalukuyan pang inaalam ng pulisya ang motibo ng krimen.

Show comments