UP stude nagbigti

RIZAL, Philippines  — Hindi na nakapag-enroll sa kolehiyo ang isang 17-anyos na binatilyo matapos na magbigti sa loob ng kaniyang kuwarto sa Purok 2, Sitio Lupang Arienda sa Barangay Sta. Ana sa bayan ng Taytay, Rizal kahapon. Bandang alas-10:45 ng umaga nang natagpuan si Kerby Scalengua, dentistry student sa U.P. Manila na nakabitin sa kisame. Ayon kay P02 Aries Sombra, hu­ling namataang buhay ang biktima sa loob ng kanyang kuwarto kung saan pinagsabihan ng ina na magtungo sa eskuwelahan para mag-enroll. Subalit nag-alala ang ina dahil walang sumasagot sa kuwarto ng kanyang anak kaya tinungo ito at bumulaga ang nakabiting katawan ng biktima. Patuloy naman ang pagsisiyasat.

Show comments