CAVITE ,Philippines – Kalaboso ang isang barangay kagawad at dalawang iba pa matapos maaresto sa sinalakay na shabu tiangge sa bahagi ng Barangay Sap Sap, Cavite City kamakalawa.
Kinilala ng hepe ng PDEA Calabarzon na si Jeffrey Bangsa ang mga suspek na sina Barangay Kagawad Evelyn Viray na sinabing pamangkin ng barangay chairman; Gilbert Cayas at Jennifer Nazareno na pawang nakatira sa nasabing barangay. Ayon sa ulat, ganap na alauna ng hapon nang salakayin ng grupo ng PDEA katuwang ng mga pulis-Cavite matapos ang ilang araw na surveillance Nabatid na sunud-sunod na reklamo ang natatanggap ng mga awtoridad kaugnay sa lantarang bentahan ng shabu sa nasabing barangay kaya nag-apply at nakakuha sa korte ang PDEA ng search warrant laban sa mga suspek.