BULACAN , Philippines — Dalawang kababaihan na pinaniniwalaang nagpapakalat ng bawal na droga ang naaresto ng pulisya sa magkahiwalay na operation sa Meycauayan City, Bulacan kahapon. Kinilala ni P/Supt. Eric Noble ang mga suspek na sina Teresa Critica, 28, ng Brgy. Malhacan at Lourdes Yao 43, ng Brgy. Saluysoy. Base sa police report, si Critica ay nadakma ni P/Insp. Susan Cullamco matapos magpalabas ng warrant of arrest si Judge Albert Ponacier ng Regional Trial Court Branch 76. Samantala, si Yao ay nasakote ni PO1 Raquel Palino matapos ang buy-bust operation sa nasabing lungsod.