Tomador kinatay sa inuman

CAVITE , Philippines  — Kamatayan ang sumalubong sa isang 48-anyos na tomador makaraang pagtulungang saksakin ng mga kainuman ng alak sa gilid ng kalsada sa Barangay San Nicolas 3 sa bayan ng  Bacoor, Cavite kahapon ng umaga. Kinilala ni SPO4 Dante Ordoño ang napaslang na si Eduard “Tatoo” Carpen Cada habang tinutugis naman ng pulisya ang mga suspek na sina Harold Geronimo, Rocky Nenieda, Niel Mendez, Jerome Pacistol at tatlong iba pa na sinasabing wanted sa iba’t ibang kasong kriminal. Huling namataang buhay ang biktima na nakikipag-inuman ng alak sa mga suspek kung saan humantong sa matinding pagtatalo hanggang sa mauwi sa pamamaslang.

Show comments