LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Isang 60-anyos na ama ang iniulat na napaslang matapos tagain ng kanyang anak na lalaki sa Barangay Balaton sa bayan ng Lagonoy, Camarines Sur.
Kinilala ng pulisya ang napatay na si Roger Ortil habang sumuko naman ang suspek na si Dennis Ortil, 34, kapwa magsasaka at nakatira sa nabanggit na barangay. Batay sa ulat ng pulisya, sinampal ng ama ang kanyang anak at nagbitiw ng masasakit na salita.
Hindi pa nakuntento ang ama ay ibinalibag pa ang panabong na manok ng kanyang anak. Dito na tinaga ng suspek ang kanyang ama kung saan ay inatake sa puso kaya natuluyan.