^

Probinsiya

Zambales Mango Festival pinaigting

- Ni Alex Galang -

ZAMBALES  ,Philippines – Hinikayat ni Zambales Gov. Hermogenes Ebdane Jr. ang mga exporter sa industriya ng mangga na paunlarin pa ang kani-kanilang produkto upang maabot ang malalayong bansa sa Europa. Sa pagbubukas ng 12th annual Zambales Mango Festival kung saan naging panauhin ang chairman ng Senate Committee on Agriculture and Food na si Senador Francisco Pangilinan, nanawagan si Ebdane na paigtingin pa at ibandera ang pinakamatamis na prutas ng lalawigan. “Hindi na dapat nagkokompetensya ang mga probinsya sa kung sino ang may pinakamatamis na mangga bagkus pagtuunan na lamang ng pansin ang packaging nito pangmatagalan upang maiparating sa malalayong bansa sa Europa,” pahayag ni Ebdane.

“Sa pamamagitan ng taunang mango festival ay naisusulong ng provincial government ang promosyon ng ating lokal na industriya ng pagma-manga,” dagdag pa ni Ebdane.

Base sa 1995 Guinness Book of World Record, natala ang locally-grown Carabao Mango (Magnifera indica) ang pinakamatamis sa buong mundo kumpara sa mga manga ng iba pang tropical countries. Ang Sweet Elena variety naman ng Sta. Cruz, Zambales ay kinilala ng Bureau of Plant Industry na “sweetest of the sweetest” mula sa 10 local strains na rehistrado at rekomendado ng National Seed Industry Council.

vuukle comment

AGRICULTURE AND FOOD

ANG SWEET ELENA

BUREAU OF PLANT INDUSTRY

CARABAO MANGO

EBDANE

GUINNESS BOOK OF WORLD RECORD

HERMOGENES EBDANE JR.

NATIONAL SEED INDUSTRY COUNCIL

SENADOR FRANCISCO PANGILINAN

SENATE COMMITTEE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with