13-anyos sinunog ng nanay

Urdaneta City, Philippines  — Isang 13-anyos na special child ang nasawi makaraang sunugin ng kanyang ina ang kanilang bahay kamakalawa sa Garcia St., Poblacion dito.

Sinasabing may diprensiya sa pag-iisip ang ina na si Rosenda Salazar na kamakalawa ay kumalma lamang matapos na bigyan ng gamot.

Kinabukasan napag-alaman na umalis ng bahay ang asawa nito kasama ang iba nilang anak at naiwan sa bahay si Rosenda at anak na si Crisma, 13.

Bigla na lamang umanong kumuha ng mga damit si Rosenda at saka pinagliyab ang bahay. Nagawa pa nitong ikandado ang bahay saka tumakas.

Nakulong sa loob ang anak na si Crisma na hindi na nagawang mailigtas ang sarili.

Show comments