Trader utas sa ambush

CAVITE , Philippines — Patay ang isang negosyante makaraan siyang tambangan ng hindi nakilalang suspek sa Imus, Cavite kamakalawa. Namatay habang ginagamot sa St. Martin Hospital ang biktimang si Eduardo Ilano, 35, binata, residente ng Balimbing Brgy. Medicion, Imus ng lalawigang ito. Hindi naman nakilala ang dalawang suspek na mabilis na nakatakas tangay ang caliber .45 baril na ginamit matapos pagbabarilin ang biktima. Batay sa ulat, dakong alas-5:30 ng hapon ng maganap ang insidente habang minamaneho ng biktima ng isang Honda Civic (XEA-675) at binabaybay ang kahabaan ng Brgy. Putol, nang biglang bumulaga sa kanya ang dalawang suspek at pagbabarilin ito sa loob ng sasakyan saka mabilis na nagsitakas. Nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon ang pulisya upang mabatid ang motibo at kung sino ang mga suspek sa krimen.

Show comments