Kuya inutas ni bunso

CAVITE, Philippines — Pinatay sa saksak ang isang 48-anyos na lalaki ng kanyang bunsong utol matapos magkapikunan sa biruan kamakalawa ng gabi sa bayan ng Magallanes, Cavite. Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Eduardo Li­nezo, habang sumuko naman ang suspek na si Gregorio Linezo, 45, kapwa nakatira sa Brgy. Bendita sa nasabing bayan. Base sa ulat na nakarating kay P/Senior Supt. Danilo Maligalig, masayang nagbibiruan ang mag-utol nang mauwi sa pikunan hanggang sa magtalo. Dito na inundayan ng saksak ng suspek ang kanyang utol. Wala naman maibigay na dahilan ang suspek sa ginawang krimen.

Show comments