CAMARINES NORTE, Philippines — Isa sa pinakanotoryus na drug pusher ang naaresto ng mga operatiba ng pulisya at Phil. Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang buy-bust operation sa Purok 4, Brgy 2 Pasig sa bayan ng Daet, Camarines Norte kamakalawa ng umaga.
Sa ulat na ipinadala ni P/Chief Insp. Edwin Adora, hepe ng PACTF kay Governor Edgardo Tallado, kinilala ang suspek na si Nestor Garais Jr., 26, ng Brgy 2-Daet .
Si Garais ay nakumpiskahan ng 7 plastic sachet na shabu umaabot sa halagang P.4 milyon at P1,000 marked money na ginamit sa entrapment operation. Dismayado naman si Gov. Tallado sa piskalya dahil napapawalang sala ang mga tulak-droga na naaresto ng pulisya dahil sa sinasabing technicalities.