Chief tanod utas sa mag-utol

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines – Kamatayan ang sumalubong sa isang 52-anyos na hepe ng barangay tanod matapos ratratin ng mag-utol sa Barangay Cumu sa bayan ng Angadanan, Isabela noong Martes. Kinilala ng pulisya ang napaslang na si Alfonso Tamani Jr. habang tinutugis naman ng pulisya ang mag-utol na suspek na sina Councilor Deogracias Paggao, at Raymundo  Paggao Jr. Ayon kay P/Supt. Roberto Bucad, nagkainitan sina Tamani at Councilor Paggao sa hindi nabatid na isyu kung saan napilitang barilin ni Raymundo ang biktima. Narekober sa crime scene ang 9-basyo ng cal. 9mm.

Show comments